Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 89



Kabanata 89

"Namumutla ka."

Nang marinig ni Madeline si Felipe, naiilang niyang hinawakan ang kanyang mukha.

Hindi mabuti ang kanyang kalagayan. Mas lumalala na ang kanyang katawan, kaya malamang hindi

siya magmumukhang malusog.

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalala niyang tanong.

"Salamat sa pag-aalala niyo, Mr. Whitman. Ayos lang ako."

Mabilis siyang pinasalamatan ni Madeline bago tumayo.

Naalala niya kung paano nadamay si Felipe dahil kay Jeremy at nakaramdam siya ng pagsisisi.

"Kahit di mo na ako tawaging Mr. Whitman kapag walang ibang tao sa paligid."

Nagdalawang-isip si Madeline sabay nagsabing, "Mauuna na ako, tito."

"Actually, mas matanda lang ako kay Jeremy ng tatlong taon. Ayaw kong tinatawag na tito, kaya pwede

mo akong tawagin sa pangalan ko.

Nabigla si Madeline. Pagkatapos ay tumango siya. "Babalik na pala ako sa trabaho, Mr. Whitman."

Tumingin si Felipe kay Madeline at ngumiti. "Sige."

Pinagtuunan ng pansin ni Madeline ang kanyang trabaho. Sa ganitong paraan ay nakakalimutan niya

ang mga bagay at tao na nagpapalungkot sa kanya.

Kalahati na ang natatapos sa kanilang isang buwang proyekto. Masaya si Madeline sa parte na

napunta sa kanya.

Base sa pinapagawa ng kliyente, pagkatapos matapos ni Madeline ang kanyang disenyo ay ginamit

niya ang kanyang company email para ipadala ito kay Elizabeth na nasa isang business trip. Kasunod

nito, kinuha niya ang kanyang pitaka bago nagtungo sa cafeteria.

Nang nasa loob siya ng elevator, nagkataon ay nakasalubong niya si Felipe. Nang makita nito siya na

dala ang kanyang pitaka, ngumiti ito at niyaya siya. "Manananghalian rin ako. Bakit di ka sumabay?"

Mayroon ring ibang empleyado sa loob ng elevator. Lahat sila ay nakatingin ng kakaiba kay Madeline.

Dahil dito ay hindi alam ni Madeline kung ano ang gagawin.

"Bibiguin mo ba ako, niece-in-law?" Sinubukan ni Felipe na bawasan ang pagkailang nang may

malarong tono.

Pilit na ngumiti si Madeline. "Salamat, Mr. Whitman."

Sinundan niya si Felipe palabas ng elevator. Subalit, nararamdaman pa rin niya ang mga mapanuring

titig sa kanyang likuran.

Hindi pa nakakapunta si Madeline sa mga restawran na may five stars pataas. Naiilang siyang umupo

pagkatapos ni Felipe.

Nakaupo sila sa tabi ng bintana at kaya nilang makita ang bawat kanto ng kalsada.

Hindi alam ni Madeline kung ano ang kanyang kakainin kaya hinayaan niya si Felipe na magdesisyon

para sa kanya. Pagkatapos ng ilang sandali, dumating na ang kanilang pagkain. Ang itsura at amoy

nito ay parang napakasarap.

"Kumain ka nang marami. Ang payat mo masyado," malumanay na sabi ni Felipe.

"Sige po. Maraming salamat, Mr. Whitman." Yumuko si Madeline. Hindi pa rin siya sanay sa ganito

kagandang restawran.

Nakikita ni Felipe na naiilang siya. "Hindi ka pa ba dinala ni Jeremy dito? Isa siyang honorary member

dito."

Napahinto si Madeline pagkatapos niyang kunin ang kanyang kutsara at tinidor. Umiling siya at ngumiti.

"Hindi pa kami kumain nang kaming dalawa lang."

Nabigla si Felipe. Nang may sasabihin sana siya, dalawang tao ang huminto sa kanilang tabi. Iyon ay

sina Jeremy at Meredith.

Nang makita ni Madeline si Meredith na hawak ang braso ni Jeremy at kung gaano sila kalapit sa isa't-

isa, naging mapait ang lasa ng kanyang bibig.

Tinignan niya si Jeremy at napansin niya na nakatingin ito sa kanya. Subalit, napakatindi ng kanyang

titig na para bang mabubutas siya nito.

Sa sandaling ito, nagpakita nang mapaumanhin at kaaya-ayang ngiti si Meredith kay Felipe.

"Paumanhin, tito. Naubos ang aking pagtitimpi noong araw na iyon. Pero, pinilit ako ni Maddie.

Mayroon siyang history ng plagiarism at pinatay niya rin ang anak namin. Kaya ginawa ko ang nagawa

ko noong araw na iyon. Hindi ko inaakala na aksidente kitang masasaktan."

Nakahanap siya ng dahilan para sa kanyang nabunyag na tunay na pagkatao at binigay ang tinuon

ang lahat ng sisi at pagkakamali kay Madeline.

Tumingin si Felipe kay Meredith na para bang wala siyang pakialam. "Nakita ko ang lahat. Nakita ko

ang mga paratang na sinabi mo kay Maddie, pero nakita ko rin na pinag-iinitan mo ang empleyado ko noveldrama

sa harap ng aking kumpanya na para bang isang daga. At saka, tinangka mo rin siyang saktan."

"..." Bahagyang naging kakaiba ang pilit na ngiti ni Meredith. "Tito…"

"Hindi mo ko tito. Huwag mo kong tawagin na ganyan."

"..." Nanlumo na naman si Meredith. Nalulungkot siyang lumapit kay Jeremy. "Jeremy…"

"'Di ba sabi mo nagugutom ka? Kumain muna tayo bago tayo mag-usap," malumanay na sabi ni

Jeremy kay Meredith. Pagkatapos ay tinignan niya si Felipe. "Tito, ayos lang ba na umupo kami rito?"


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.